Mula sa pusong pagtulong sa mga taga Laguna mula kay Sam Verzosa

Si Sam Verzosa ay kilala bilang Chief Executive Officer ng tanyag na direct selling company na Frontrow Enterprise na kaliwa at kanan na umaani ng pagkilala mula sa iba’t ibang organisasyon dahil sa pagtulong hindi lamang ngayong kasalukuyang pandemya kundi kahit noon pa ng maitatag ang kanyang negosyo higit sampung taon na ang nakakaraan.



 Makikita ang tagumpay ni Sam sa negosyo patunay ang mga billboard sa buong Pilipinas na nagpapakita ng kanilang mga dekalidad na produkto na ginagamit ng mga sikat na aktres at mga influencers. Napakaraming natutulungang kababayang Pilipino hindi lamang dito sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo.

 Mula si Sam sa Sampaloc, Manila at nakapagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas. Itinatag nya ang Frontrow Enterprise kasama ang kanyang partner sa negosyo na si Raymond "RS" Francisco.


Kamakailan lang,  ang kompanya ni Sam ang nagpakilala o nagprisinta sa "Miss Universe Philippines" na kung saan ay isa lamang ito sa "platform" para ipakita ang pagtulong sa ibat ibang industriya at para rin mai-promote ang kakayahan ng mga kababaihang pilipino.


Lagi nating iniisip na wala tayong magagawa, mahina tayo o wala tayong boses. Sa panahong ito ng pandemya, sana mas mangibabaw ang pagtutulungan at pagkilos para sa taumbayan.-Sam Verzosa

 

Nung nakaraang taon, nagpadala si Sam ng mga bigas at delata para sa mga taga Laguna na ikinatuwa ng karamihan. Hindi biro ang isinasakripsiyo ni Sam sa mga outreach programs na kanyang inilulunsad, pisikal at pinansyal.  Mula pa nung unang bugso ng pandemya, tinatayang nakapaglabas na si Sam at ang Frontrow ng mahigit kumulang 100 milyong halaga ng donasyon/tulong sa mga nangangailangan sa iba't ibang parte ng Pilipinas.  




 Nagsagawa rin ng iba't ibang feeding programs sa Los Baños, Calauan at kasama na rin ang food pantry sa San Pablo City. Nagkaroon rin ng iba’t ibang feeding program mula sa pribadong kompanya ni Sam sa halos lahat ng sulok ng Calabarzon.

Post a Comment

0 Comments