The Philippines, getting the 51st ranking from the 2021 Global Innovation Index is already an accomplishment. Despite the pandemic, we only slide a notch lower unlike most of the other countries.
The Global Innovation Index (GII) takes the pulse of the most recent global innovation trends. It ranks the innovation ecosystem performance of economies around the globe each year while highlighting innovation strengths and weaknesses and particular gaps in innovation metrics. Envisioned to capture as complete a picture of innovation as possible, the Index comprises around 80 indicators, including measures on the political environment, education, infrastructure and knowledge creation of each economy. (https://www.wipo.int/)
@DOST, September 21, 2021
Pilipinas – nakamit ang ika-51 marka sa Global Innovation Index 2021
Ang kaukulang suporta na ibinibigay ng
gobyerno para sa micro, small, & medium enterprises (MSMEs) at iba pang
lokal na pribadong kumpanya ay naging bahagi sa pagkakaroon ng magandang
innovation capability ng Pilipinas.
Nakamit ng Pilipinas ang ika-51 marka
sa Global Innovation Index 2021 report na taunang inilalathala ng United
Nations specialized agency ng World Intellectual Property Organization (WIPO).
Hinirang ang Pilipinas bilang isa sa limang mga bansa sa mundo na naging
mahusay ang performance sa innovation kasama ang China, Turkey, Vietnam at
India. 132 bansa ang sinuri ng WIPO para
sa report ngayong taong 2021.
@DOST, September 21, 2021
Sa isang online press conference na
ginanap nuong ika-21 ng Setyembre 2021, ang Pilipinas ay nakilala sa pagbahagi
ng innovation, lalo na sa business sector. Sa katunayan, ang resulta ng mga
innovations na mga ito ay halos kapantay o ang ilan ay higit pa sa mga bansang
maituturing na highincome economies.
Malaki ang epekto ng innovation sa
bansa, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Karamihan sa mga negosyo at
komunidad ay nangangailangan ng bagong imbensyon at pamamaraan upang mapanatili
ang kaledad ng mga produkto at serbisyo pati na kaligtasan ng mga empleyado at
mamimili.
Sa GII 2021 report, ang Pilipinas ay
ika-apat sa 34 lower middle-income group economies at ika-11 sa 17 bansa sa South East Asia, East Asia, at
Oceania. Gamit ang 80 indicators, ang
GII ay sumusuri ng higit sa 130 bansa sa mundo gamit ang kanilang innovation
capabilities. Nailathala din ang
magandang pagganap ng bansa pagdating sa dalawang aspeto ng GII, gaya ng
Business Sophistication and Knowledge & technology outputs.
Kahit mas mababa ng isang rango ang
Pilipinas kumpara sa marka nito nuong 2020, maganda pa din ang performance ng
bansa. Nuong taong 2014 ay nasa pang 100
rango ang bansa.
Ang
kagawaran ng agham at teknolohiya o Department of Science and Technology (DOST)
ay patuloy ang suporta sa pagpapalago at pagpapaunlad ng ating mga MSMEs sa
pamamagitan ng mga proyekto gaya ng Small Enterprise Technology Upgrading
Program (SETUP). Ang proyekto ito ang siyang nagbibigay tugon upang makilala
ang ating MSMEs hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Kasama na rin dito
ang pagbibigay pansin ng kagawaran sa mga pangangailangan ng bansa sa panahon
ng pandemya. Ang ilang proyekto ng DOST ay nakagawa ng mga locally-developed
test kits, biomedical devices, disease model, at iba pang mga applications.
Dahil alam na natin kung saang larangan tayo higit na kailangan, ito ang ating magiging gabay sa paglalaan ng pondo para sa innovation,” Secretary de la Peña. “Halimbawa na lamang ng ating magpagtanto ang halaga na tayo ay makapagpasagawa rin ng detection kits. Kung kaya’t ang DOST ay patuloy ang suporta sa mga kumpanyang kagaya ng Manila HealthTek na isang private business working on research and development. Sa pondong laan ng DOST, tayo, kasama ang Manila HealthTek ay nakagawa ng affordable and reliable COVID-19 test kits, saad ni Secretary de la Peña
Isa lamang ito sa mga potential businesses na maaaring suportahan ng kagawaran. Sapagkat isinusulong rin natin ang Science for Change Bill na kung saan nabibigyan ng suporta ang mga MSMEs, kasama na rin na ang network linkages at binibigyan sila ng kapasidad para sa R&D.
DOST Undersecretary Rowena Cristina Guevara (Photo credits: DOST) |
Ang DOST Science for Change Program ay isa sa mga nangungunang programa ng gobyerno na nagbibigay pondo sa paglago ng Science and Technology (S&T) Human Resource and Development (HRD) and Research and Development (R&D) projects. Inumpishan na natin ang pagcapacitate sa mga business sa pamamagitan ng Business Innovation Through Science and Technology (BIST) Program at gayundin ang pagtatatag ng partnerships between enterprises/businesses and universities or government R&D institutions sa pamamagitan CRADLE (Collaborative Research and Development to Leverage Philippine Economy) program, ani Undersecretary Guevara.
Kasama sa virtual press conference ang
Kalihim ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na sina Secretary Ramon M. Lopez ng
DTI, Secretary Gregorio Honasan ng DICT,
Secretary Karl Kendrick Chua ng NEDA, Director General Rowel S. Barba ng
IPOPHIL, Secretary Delfin Lorenzana ng DND, Secretary Francisco Duque ng DOH,
Secretary Roy A. Cimatu ng DENR, Secretary Alfonso G. Cusi ng DOE, Secretary
William D. Dar ng DA,Secretary Arthur Tugade ng DOTR, at Chairman Prospero E.
de Vera ng CHE. Kasama rin natin ang ilang miyembro ng WIPO o World
Intellectual Property Office na sina Dr. Sacha Vincent and Mr. Marco
Aleman.
0 Comments